BUY-BUST | P250,000 halaga ng shabu, nasabat

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang tao sa ikinasang drug buy-bust operation ng Quezon City Police District – District Drug Enforcement Unit (QCPD-DDEU) sa New York at West Point Street sa Barangay E. Rodriguez.

Kinilala ang mga suspek na sina Pierre Anson Salandan, na residente ng Mandaluyong City at kasama nitong isang 16-anyos na lalaki.

Ayon kay QCPD Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, ikinasa nila ang operasyon matapos mahuli sa naunang buy-bust ang dalawang iba pang suspek sa Barangay Payatas kung saan itinuro nilang supplier si Salandan.


Nasabat mula sa mga suspek ang dalawang plastic na naglalaman ng kabuuang 50 gramo ng shabu at may street value na P250,000.

Facebook Comments