Para maging abot-kaya sa mga Pinoy ang pagbili ng kanilang mga pangangailangan, mayroon nang “Buy Now, Pay Later” o hulugan sa GCash.
Sa pamamagitan ng GCash feature na GGives, pwede nang magbayad nang hulugan para sa pagbili ng mga gamit o pangangailangan nang hindi mabigat sa bulsa. Sa pamamagitan nito, mas mababantayan ang pansariling gastusin o budget ng pamilya.
Para sa mga qualified users, maaaring gamitin ang GGives sa mga bilihin na hanggang P30,000. Pwedeng hulugan ang bayad hanggang 24 gives o dalawang beses sa isang buwan hanggang isang taon.
“Ang GGives ay tugon ng GCash sa pangangailangan ng mga Pinoy. Marami pa rin sa atin ang gusto ng installment o hulugan para mayroon tayong freedom na i-maximize ang ating pinaghirapang pera,” ayon kay GCash President at CEO Martha Sazon.
Maliban sa GGives, mayroon ding GLoan o pautang ang GCash, kung saan pwedeng humiram ng hanggang P25,000. Ito ay puwedeng gamitin sa emergency, travel, negosyo, at iba pa. Maaaring magbayad sa loob ng siyam hanggang 12 na buwan.
“Sa GGives at GLoan, may access na ang lahat sa ligtas at mahusay na serbisyong pautang na nagbibigay ng patas at malinaw na interest rates. Makakatulong ito sa mga kababayan natin sa pagharap nila sa iba’t ibang hamong pang-pinansiyal,” dagdag pa ni Sazon.
Maaaring mag-apply sa GGives ang mga may mataas na GScore sa GCash app. Para ma-activate ito, i-tap ang “View all GCash Services” sa GCash app at piliin ang GGives. I-verify at kumpletuhin ang impormasyon.
Para naman sa GLoan, i-tap ang “View all GCash Services” sa GCash app, piliin ang GLoan at ang nais na payment term. Matatanggap agad ang pondo sa GCash account kapag na-aprubahan ang request.
Magagamit ang GGives sa mahigit 27,000 stores via Scan QR. Kung sa GCash app, maaaring makabili sa Robinsons Department Store, Robinsons Supermarket, The SM Store, Ministop, S&R Supermarket, Nike, Mercury Drug, Southstar Drug, Power Mac Center, MemoXpress, Datablitz, at marami pang iba!
Maliban sa GGives at GLoan, marami ring iba’t-ibang serbisyo ang GCash app gaya ng GSave, isang online savings bank, GInvest para sa mga gustong mag-invest, GInsure para sa medical insurance, at G-Life para sa e-commerce.
Mada-download nang libre ang GCash app sa Google Play o App Store.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa GGives, bisitahin ang link na ito.