Buying limit sa mga pangunahing bilihin ngayong ECQ, hindi tinututulan ng DTI; inaprubahang taas-presyo, hindi pa epektibo!

Hindi tinututulan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang desisyon ng ilang Local Government Unit (LGU) na magpatupad ng buying limit kasabay ng pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Tugon ito ng ahensya matapos na magpatupad ng limitasyon sa pagbili ng mga pangunahing bilihin ang Quezon City LGU.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, inirerespeto nila ang mandato ng mga LGU.


Pero aniya, sapat naman ang suplay ng mga produkto at aabot pa ito hanggang sa susunod na 90 araw base sa imbentaryo ng mga manufacturers.

Samantala, nilinaw ni Castelo na hindi pa maaaring ipatupad ang inaprubahan nila kamakailan na taas-presyo sa bilihin dahil wala pang inilalabas na panibagong bulletin ukol dito ang DTI.

Facebook Comments