
Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magsasaka na hindi na ibababa ng National Food Authority (NFA) ang buying price ng palay.
Ayon sa pangulo, mananatili sa ₱18 hanggang ₱23 ang buying price ng palay pang matiyak na magiging maganda ang kita ng mga magsasaka.
Kasunod ito ng pangamba ng mga magsasaka matapos palawakin ng gobyerno ang ‘Bente Bigas Meron Na’ program sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Pagtitiyak ng pangulo, walang magiging pagbabago sa presyo ng palay anuman ang maging presyo nito sa merkado.
Palalakasin din aniya ng pamahalaan ang suporta maging sa ibang inputs tulad ng pagbili ng Department of Agriculture ng pesticides at urea.
Facebook Comments









