BUYING PRICE NG PALAY, NASA MAHIGIT 28 PESOS NA, AYON SA SINAG; ILANG MAGSASAKA, UMAASANG MABILIS NA MAIBEBENTA ANG MGA PALAY

Tumaas ng mahigit sa bente otso pesos ang kuha o presyuhan ng palay sa ngayon sa mga naghaharvest na mga magsasaka na ayon sa grupong Samahang Industriya ng Agrikultura ay record high ang itinaas.
Ang ilang mga magsasaka sa bayan ng Mangaldan, gumamit ng water pump para mabawasan ang tubig sa kanilang sakahan at upang maisalba ang mga itinanim na palay na nalubog na sa tubig.
Umaasa ang ilan sa mga magsasakang ito na kanilang mabilis na maibebenta ang mga na-harvest ng palay habang mataas pa ang pagbili ngayon ng palay ng mga private trader.

Maging mga ilan na mag-aani pa sa buwan ng Oktubre ay tiwala rin na kanila pa rin maaabutan ang mataas na presyo ng pagkuha ngayon sa palay.
Para sa mga magsasaka, sang-ayon sa kanila ang presyong ito at mas maganda kung ganito ang presyuhan sa kanilang mga produktong palay nang sa gayon ay bawi ang kanilang pawis, paghihirap sa pagtatanim at nang umasenso kahit papaano sa pagsasaka.
Ngunit kung ganito naman ang itinaas ngayon ng buying price ng palay sa ngayon ay siya namang taas din ng presyo ng bigas na bumabagsak sa mga pamilihan kung saan inaasahan ang patuloy pang pagtaas nito. |ifmnews
Facebook Comments