
Magpapatupad ng VAT exemption ang Department of Finance (DOF) sa ilang transaksyon na may kaugnayan sa natural gas.
Ayon sa DOF, hindi na papatawan ng VAT ang bentahan at pagbili ng indigenous natural gas at ang kuryenteng nalilikha gamit ito.
Layon daw nitong palakasin ang natural gas industry sa bansa kung saan saklaw din ng exemption ang tinatawag na “aggregated gas” pero mayroong limitasyon.
Sabi ng DOF, ipapatupad ito sa pakikipagtulungan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para masigurong hindi maabuso ang mga incentives.
Ayon naman sa BIR, kasama sa mga makikinabang dito ang mga supplier, aggregator, reseller, at power generation facilities at kailangang may sertipikasyon mula sa Department of Energy.
Makakatulong anila ang hakbang na ito para mapababa ang gastos sa enerhiya at mapalakas ang energy security ng Pilipinas.










