BYAHEALTHY’ NGAYONG HOLIDAY SEASON, ISINUSULONG

Binigyang-diin ng Department of Health – Center for Health Development 1 na hindi lamang dapat ukol sa kainan ang kaalaman at kamalayan ng publiko, maging sa pagtiyak ng ligtas na biyahe ngayong Holiday season.

Sa naganap na Kapihan sa Ilocos, ibinahagi mga health personnels ang ukol sa road safety.

Sa abiso ng ahensya, importanteng tumalima sa BLOWBAGETS o paghahanda ng battery, lights, oil, water, brakes, air, gas, engine, tire at self o sarili bago pa bumyahe.

Iginiit na hindi dapat bumiyahe kung nasa ilalim ng impluwensya ng alak o droga dahil mataas ang tyansang masangkot sa road accidents.

Isa pa sa ipinaalala ang hindi dapat paggamit ng selpon sa tuwing nagmamaneho na nakapaloob naman sa ilalim ng RA 10913.

Hinikayat din ang lahat na maging alerto sa mga road signs dahil mahalaga ito upang mapanatili ang kaligtasan sa mga kakalsadahan.

Nananawagan ang ahensya na sumunod sa mga alituntunin upang makaiwas sa anumang holiday related incident. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments