Lumipad na patungong Netherlands si Senator Antonio Trillanes IV kaninang umaga matapos makapaglagak ng pyansa sa korte kaugnay nang kinakaharap nitong kasong libelo.
Lulan ng EVA airlines flight 262 patungong Netherlands via Taipei si Trillanes kanina sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Magpupunta ang senador para sa kanyang official duty sa Netherlands, Spain at UK mula December 11, 2018 hanggang January 12, 2019 habang nasa Estados Unidos naman ang mambabatas pagsapit ng January 27 hanggang February 10, 2019.
Matatandaang kahapon nakapag pyansa si Trillanes ng P96,000 para sa kinakaharap nitong 4 na counts ng libel.
Nag-ugat ito sa mga alegasyon ng senador na iniuugnay ang presidential son na si Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Mans Carpio na iniuugnay sa smuggling ng bilyong halaga ng shabu at umano ay pangingikil sa ride-sharing firm na Uber.