
Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) na handa silang magpadala ng kanilang mga transport aircraft sakaling ipag-utos ng gobyerno ang full repatriation ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan bunsod ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
Ayon kay PAF Commander Lt. Gen. Arthur Cordura, may nakahanda na silang mga eroplano gaya ng C-130 at C-295 na maaaring gamitin para sa repatriation efforts.
Aniya, kasalukuyang pinag-uusapan pa ang koordinasyon para sa repatriation sa antas ng mga ahensya, at susunod lamang ang PAF sa anumang desisyong ilalabas ng kinauukulan.
Sa ngayon, nakataas sa Alert Level 3 ang dalawang bansa na nangangahulugan ng boluntaryong repatriation at ibayong pag-iingat.
Facebook Comments









