
Nagpapatuloy ang kaliwa’t kanang Humanitarian Assistance and Disaster Response ng Philippine Air Force sa mga lugar na nasalanta ng magkakasunod na bagyo at habagat.
Sa pinagsanib na operasyon ng iba’t ibang unit ng Armed Forces of the Philippines at mga ahensya ng gobyerno, naghatid ng ayuda ang isang C-130 aircraft ng PAF sa Basco, Batanes.
Kabilang dito ang 150 family food packs, 375 hygiene kits, at 14 na kahon ng medical supplies para sa Batanes General Hospital.
Naghatid din ng apat na solar panels, apat na baterya, at isang inverter bilang suporta sa Alternate Power System ng Provincial DOH Office.
Kasabay nito, matagumpay ring nailikas ang 98 locally stranded individuals patungong Colonel Jesus Villamor Air Base sa Pasay City.
Layon ng operasyon na tugunan ang agarang pangangailangan ng mga komunidad na labis na hinagupit ng magkakasunod na bagyo at habagat.









