C-T Scan ng mga atleta, sasagutin na raw ng Games and Amusement Board at Department of Health para maiwasan ang pandaraya

Sports – Gumagawa ngayon ng paraan ang Games and Amusement Board para matigil na ang gawain ng ilang professional athletes sa pagkuha ng iligal na mandatory CT-Scans.

Ayon kay Chairman Abraham Mitra, una na nilang sinuspindi ang nasa 70 boksingero na umaming pineke ang kanilang mga CT-Scans na pinaka-importante salahat upang malaman kung may problema o nagka-problema sila sa utak.

Alam din ni Mitra na may kamahalaan ang proseso at ang mga atleta mismo ang siyang gumagastos kanilang medical kaya’t gumagawa na sila ng paraan.


Binigyan diin din ng nasabing opisyal na hindi nila kukunsinthin ang mga boksingero na lumaban sa ibang bansa na hindi dadaaan o walang authorization na magmumula sa kanila.

Bukod naman sa mga nasuspinding mga boksingero, makikipagpulong din ang gab sa mga opisyal ng thai boxing commission sa Bangkok upang matigil na ang iligal na aktibidad ng mga Filipino fighters na lumalaban doon.

Facebook Comments