Inisa-isa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga “nakakamatay” na kalsada o deadliest roads sa Metro Manila.
Ito ay base na rin sa bilang ng aksidenteng naitatala.
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Bong Nebrija, nanguna sa listahan ang C5 road at EDSA na may pinakamaraning aksidenteng naitala noong nakaraaang taon.
Aniya, overspeeding ang pangkaraniwang dahilan ng mga aksidente.
Dagdag pa ni Nebrija, nangyayari ang aksidente sa oras kung saan maluwag ang trapiko partikular sa gabi patungong umaga.
Sa tala ng MMDA, ang C5 ang may pinakamaraming report na May 27 fatal accidents nitong 2018, kasunod ang EDSA na May 21, Roxas Boulevard (17), Mcarthur Highway (11), at Commonwealth Avenue (10).
Karamihan sa mga aksidente sa C5 road at EDSA ay kinasasangkutan ng mga nakainom na driver.