Bubuksan na sa mga motorista sa Hunyo 15 ang unang phase ng C5 South Link Expressway Project.
Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, nasa 87 porsyentong tapos na ang unang phase ng C5 South Link Expressway Project na magdurugtong sa Taguig hanggang Merville, Parañaque City.
Aniya, layunin ng proyekto na maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa bahagi ng Parañaque at Taguig.
Sabi ni Villar, target nilang matapos ang kabuuan ng C5 South Link Expressway Project na nagkakahalaga ng P10-billion sa 2020 na idudugtong rin sa Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX).
Facebook Comments