CA, agad na kinumpirma si Secretary Karl Kendrick Chua

67

Sa unang pagsalang sa confirmation hearing ay agad na kinumpirma ng Commission on Appointments o CA ang pagkakatalaga kay Secretary Karl Kendrick Chua sa National Economic and Development Authority o NEDA.

Pawang mga papuri ang ibinigay ng mga senador at kongresista na miyembro ng CA kay Chua na tinawag pa ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na ‘Nerd with K-Pop looks’, kung saan ang NERD aniya ay nangangahulugan ng National Economist for Recovery Development.

Inilatag din ni Recto ang hindi matatawarang academic record at professional achievements ni Chua.


Bilib din si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa talino at galing ni Chua kaya biro niya na kapag siya ay naging pangulo ay gagawin niya itong kalihim ng Finance, Budget at NEDA.

Inilarawan naman ni Senate Minority Leader si Chua na magaling at mapagkumbaba habang idiniin naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ang katulad ni Chua ang kailangan ng ating bansa.

Sa pagharap sa CA ay sinabi naman ni Chua na bahagi ng adbokasiya niya na magtagumpay ang mga programa ng gobyerno para sa ekonomiya gayundin ang National ID System.



Bukod kay Chua ay kinumpirma rin ng CA ang appointment ng mga Ambassador sa Egypt at Holy See at 14 pang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), gayundin ang promotion ng 29 opisyal ng Armed forces of the Philippines (AFP).

Facebook Comments