CA, hinimok na kilalanin ang pang-58 biktima ng Maguindanao Massacre; danyos sa mga biktima, hiniling na itaas

Dumulog sa tanggapan ng Court of Appeals (CA) ngayong Lunes ang pamilya ng ilang biktima ng Maguindanao Massacre.

Humihiling ang mga ito sa korte na itaas ang danyos na ibibigay sa mga pamilya ng biktima.

Batay sa kanilang inihaing manifestation with urgent motion for resolution, hiniling nila na dagdagan ang danyos bilang huling panawagan para sa hustisya sa lahat ng biktima.

Kaugnay nito, naghain din sila ng Motion to Correct Clerical Errors para hilingin na kilalanin bilang ika‑58 na biktima ng Maguindanao Massacre ang photojournalist na si Reynaldo “Bebot” Momay.

Ayon kay Atty. Gilbert Andres, abogado ng mga biktima, sapat na para kilalanin bilang biktima ng karumal-dumal na krimen ang natagpuang pustiso ni Momay.

Una na kasing ibinasura ng korte ang hiling matapos hindi pa rin matagpuan ang kaniyang labi.

Ang Maguindanao Massacre na utos ng ilang miyembro ng pamilya Ampatuan noong 2009 ang itinuturing na pinakamalalang pag-atake sa mga mamamahayag sa buong mundo.

Facebook Comments