Pinagmumulta ng Supreme Court (SC) ng halagang katumbas ng kaniyang sweldo sa isang taon ang isang incumbent Court of Appeals (CA) Justice.
Ito ay matapos na mabigo si Justice Marilyn Lagura-Yap na desisyunan ang 160 na kaso sa loob ng itinakdang reglementary period noong ito ay isa pa lamang Regional Trial Court (RTC) Judge.
Ayon sa Korte Suprema, guilty si Justice Lagura-Yap sa gross inefficiency noong siya pa ang presiding judge ng Branch 28 ng Mandaue City RTC sa Cebu.
Iginiit din ng Supreme Court na nabigo rin si Justice Lagura-Yap na magsumite ng certification ng caseload sa Judicial and Bar Council (JBC) noong mag-apply ito sa pagka-mahistrado ng Court of Appeals noong 2011.
Una nang naglabas ng kautusan si Chief Justice Diosdado na nag-aatas sa lahat ng hukom na desisyunan ang mga kasong nakasampa sa kanilang sala sa loob ng tatlong buwan.