CAAP, aminadong hindi agad matatapos ang pag-update sa program ng kanilang radar

Aminado ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na hindi agad-agad matatapos ang pag-update ng program ng software ng kanilang radar.

Partikular ang nagka-aberya kahapon na software ng Air Traffic Management Center ng CAAP.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, sa ikatlong quarter pa ng taon nila inaasahang matatapos ang pag-update sa kanilang program.


Aniya, hindi kasi maaaring biglain ang pag-update ng programa kaya dahan-dahan lang itong ginagawa ng CAAP.

Sa naturang aberya, mahigit 50 flights ang naapektuhan dahil naging prayoridad ng CAAP ang mga papalapag na eroplano bunsod ng mano-manong sistema kahapon.

Facebook Comments