CAAP, aminadong hindi pa tiyak kung ang nawawalang Cessna plane sa Albay ang nakitang wreckage sa Mayon Volcano

Aminado ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na hindi pa nila tiyak kung ang nawawalang Cessna plane sa Camalig, Albay ang nakitang wreckage sa Bulkang Mayon.

Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, makukumpirma nila ito sa sandaling makapasok na sa lugar ang rescuers.

Sa ngayon kasi pahirapan ang search and rescue operations sa lugar dahil sa masamang panahon sa Albay.


Kinailangan ding humingi ng permiso sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng Camalig LGU at ng CAAP para makapasok sa permanent danger zone sa Mt. Mayon.

Nakataas kasi ngayon sa Alert level 2 ang Bulkang Mayon.

Una nang napaulat na nakita sa drone shot ang wreckage ng nawawalang Cessna plane na may sakay na apat katao kabilang na ang dalawang pasaherong Australian.

Facebook Comments