CAAP at DOTr, nag-inspeksyon sa mga paliparan sa ilang probinsiya

Magkasamang nagsagawa ng airport inspection ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Transportation (DOTr) sa Zamboanga International Airport, Camiguin Airport, at Siargao Airport.

Ang nasabing inspeksyon ay naglalayong pagtibayin, paunlarin, at tukuyin ang mga area para sa karagdagang improvement upang matiyak ang mas ligtas, mas mahusay, at maayos na pampasaherong pasilidad ng mga Paliparan.

Tugon din ito sa pangako ng DOTr at CAAP sa pagpapahusay ng regional connectivity sa pamamagitan ng world-class airport facilities para sa mas lalo pang paglago ng imprastraktura ng transportasyon na sumusuporta sa ekonomiya ng bansa.


Facebook Comments