CAAP Director General Manuel Tamayo, pinag-i-inhibit ng isang senador sa imbestigasyon ng aberya sa NAIA

Pinag-i-inhibit ni Senate Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe si Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Manuel Tamayo sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa nangyaring aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Enero 1.

Ito ay para matiyak ang pagiging patas sa pagbusisi sa nangyaring insidente.

Giit ni Poe, hindi maaaring imbestigahan ng CAAP ang sarili sabay hirit na magkaroon ng isang independent body na siyang magsisiyasat sa insidente.


Hiniling ng senadora kay Transportation Secretary Jaime Bautista na magtalaga ng isang indibidwal na walang kinikilangan para imbestigahan ang nasabing ‘system glitch’.

Iminungkahi ng mambabatas na maaaring maging bahagi ng independent body si dating CAAP Director General William Hotchkiss at isang kinatawan mula sa samahan ng mga civil aviation engineers ng bansa.

Facebook Comments