CAAP, handa na sa Super Typhoon Henry

Activated na ang Precautionary at Safety Measure and Tropical Cyclone plan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga paliparan sa Northern Luzon.

Kaugnay ito ng banta ng Super Typhoon Henry.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, ang lahat ng airports sa mga lugar na dadaanan ng Super Typhoon Henry ay naka-alerto na para maiwasan ang mas matinding pinsala ng bagyo.


Sa airports sa Itbayat at Basco, nagsagawa na ng paglilipat ng communication at navigation equipment sa mas ligtas na lugar.

Nilagyan na rin ng shutters ang mga bintana at entryways ng airport facility buildings.

Kabilang sa sakop ng CAAP Area Center 2 ang Tuguegarao, Bagabag, Palanan, Cauayan, Basco, at Itbayat airports.

Facebook Comments