CAAP, hindi magdedeklara ng ‘no fly zone’ sa Manila Bay sa panahon ng Pista ng Itim na Nazareno

Taliwas sa mga nakaraang selebrasyon ng Pista ng Black Nazarene, hindi magdedeklara ng ‘no fly zone’ sa Manila Bay ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Kinumpirma ito ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio kasunod ng advisory ng Airspace & Flight Procedure Design (AFPD) Division ng CAAP na hindi na kailangang ipagbawal ang paglipad ng mga aircraft sa airspace na sakop ng Manila Bay.

Pinaliwanag ng opisyal na ang area ng Feast of Black Nazarene ay sakop ng Malacañang na deklaradong ‘no fly zone’, kung saan nakahimpil ang RP-P1, at tahanan ng pangulo ng Pilipinas.


Idinagdag din ni Apolonio na ang Quiapo ay nakapaloob sa dalawang kilometrong radius exclusion zone na ang sentro ay Malacañang hanggang sa bahagi ng GSIS at Senado.

Facebook Comments