CAAP, hindi na mag-aanunsyo ng ‘No Fly Zone’ policy sa Traslacion bukas

Hindi na mag-aanunsyo ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen o NOTAM para sa No Fly Zone at No Drone Zone Policy sa Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon kay CAAP Deputy Director General for Operations Captain Edgardo Diaz, awtomatiko naman kasing bawal ang pagdaan ng aircraft at ang pagpapalipad ng drone sa Quirino Grandstand at Quiapo Church.

Ipinaliwanag ni Diaz na ang nasabing mga lugar ay sakop ng RP-P1.


Partikular aniyang ipinagbabawal ang lateral at vertical flying sa loob ng 2 nautical mile radius at 5,500 feet mula sa Malacanang.

Facebook Comments