Handang handa na ang Civil Aviation Authority of the Philippines sa inaasahang influx o pagdagsa ng mga byahero ngayong Semana Santa.
Sa datos ng CAAP nuong isang taon nakapagtala sila ng 5,508,498 domestic and international passengers kung saan 3,036,274 passengers dito ay dumating at lumipad galing NAIA.
Kasunod nito simula sa Lunes ipatutupad na ang OPLAN BIYAHENG AYOS: Semana Santa 2019.
Sa nasabing operation plan, asahan ang mas mahigpit na seguridad ang ipatutupad sa mga paliparan magmula April 8 – April 25.
Pinapayuhan ang 12 area managers na nangangasiwa ng 40 CAAP-airports nationwide na ipatupad ang maximum deployment ng kanilang mga service and security personnel at sundin ang “no leave and day-off” policy.
Samantala, maglalagay din ng help desks sa mga paliparan upang tumugon sa mga concerns o anumang tanong ng mga pasahero.