Sunday, April 5, 2026

CAAP, inatasan ng DOTr na bawasan ang Passenger Service Charges at airport navigation charges sa harap ng krisis sa langis

Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bawasan ang Passenger Service Charges at airport navigation charges sa sa lahat ng CAAP-operated airports.

Layon nito na makatulong para mapababa ang operating costs ng mga airline sa harap ng krisis sa langis.

Ayon sa DOTr, pinaikli na rin ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang evaluation at implementation period sa 15 araw mula isang buwan para mas mabilis na maipakita sa pamasahe ang anumang pagbaba sa presyo ng jet fuel.

Sa huling monitoring ng DOTr, halos dumoble ang presyo ng jet fuel sa USD 188.2 mula USD90.87 per barrel noong Pebrero 19.

Facebook Comments