CAAP, inihirit na gamitin sa pag-upgrade ng kanilang mga kagamitan ang kanilang dividends

Nais ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magamit ang dividends na iniri-remit nila sa national treasury para sa pag-upgrade ng kanilang equipments.

Sinabi ni Transportation Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Cecilio Lim na mag-a-apply ang Department of Transportation (DOTr) at CAAP ng dispensasyon mula sa Divident Remittance Law.

Aniya, sa ilalim ng batas ay inoobliga ang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) tulad ng CAAP na i-remit sa national treasury ang 50% ng kita nito.


Inihayag ni Lim na hihilingin nila na magamit muna ang dividends para sa modernisasyon ng assets at mga kagamitan ng CAAP.

Sa ganitong paraan aniya ay makakalikom sila ng pondo para magamit sa mga priority projects ng CAAP.

Kasunod na rin ito ng glitch sa air traffic management center noong Bagong Taon kung saan daan-daang flights ang nakansela.

Facebook Comments