Pinaiiral na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang heightened alert sa mga paliparan nito bilang paghahanda sa holiday rush.
Ayon sa CAAP, partikular na naka-alerto ngayon ang 44 na paliparan na pinangangasiwaan ng CAAP.
Magsisimula ang heightened alert sa December 20 hanggang January 3.
Ang security personnel at medical team naman ng CAAP ay naka-standby para tugunan ang anumang emergency.
Makikipagtulungan din ang CAAP sa Department of Transportation (DOTr), PNP-Aviation Security Unit, Office of Transportation Security, Department of Tourism, Civil Aeronautics Board, at mga airline operator.
Facebook Comments