Nagsagawa ng workshop ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sa pamamagitan ng Committee on Gender and Development Focal Point System (GADFPS), tungkol sa GAD Strategic Planning at 2024 GAD Budget Planning.
Sa apat na araw na workshop, ang mga tauhan ng CAAP kasama ng Philippine Military Academy (PMA) ay nagkaroon ng courtesy call upang talakayin kung ano pa ang pwede maitulong ng hanay ng militar partikular na ng Philippine Air Force (PAF).
Kabilang sa mga talakayan ang pagsasanay para sa mga tauhan ng militar sa Civil Aviation Training Center (CATC), pagpapalakas at pagsisikap upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng airspace ng Pilipinas.
Samantala, nagpasalamat naman ang CAAP nakakuha umano sila ng mga insight sa kanilang mga diskarte, mahusay na kasanayan, at mga strategies na pwedeng magamit bilang pwersa sa kanilang ahensya.