CAAP, ipinakita ang pagbabago ng imprastraktura ng paliparan sa bansa para sa mas magandang karanasan ng mga pasahero

Ibinahagi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pinakabagong mga update sa patuloy na pagpapabuti ng imprastraktura sa kabilang na ang Davao International Airport (DIA) upang mapahusay ang mga pasilidad ng paliparan at matiyak ang mas mahusay na karanasan para sa pagsakay ng publiko.

Kasama sa mga kamakailang update sa DIA ang turnover ng Escalator 1 sa check-in area noong Abril 15 at naging fully operational na ngayon.

Ayon sa CAAP, ang mga development na ito ay bahagi ng patuloy na improvement project para sa passenger terminal building (PTB) ng DIA, na nagsimula noong March 20, 2022 at may kabuuang halaga na P46,981,074.37, ang proyekto na inaasahang matatapos sa susunod na buwan.


Kasama sa mga patuloy na isinasaayos ay ang paglilipat ng mga x-ray machine at pag-install ng mga board-up maging ang main lobby ng Paliparan.

Samantala, bilang isa sa mga pinaka-abalang paliparan sa bansa, na nagsisilbi sa 251 domestic at 11 internasyonal na flight linggu-linggo, ang Davao International Airport ay may isang mahalagang papel sa sektor ng aviation ng bansa at tinitiyak ang mas secure at maginhawang karanasan ng mga biyahero loob man o labas ng bansa.

Facebook Comments