CAAP, itinangging hacking ang nangyaring aberya sa kanilang air traffic control kahapon

Pinabulaanan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang napaulat na ang tangkang hacking ang naging dahilan ng aberya kahapon sa kanilang air traffic management system.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, nananatiling accessible ang kanilang Navigation and Surveillance/Air Traffic Management system.

Ang naging isyu lamang aniya talaga ay ang pag-upgrade ng software.


Sa naturang computer glitch, mahigit 50 international at domestic flights ang naapektuhan.

Ilang airlines din ang nagkansela ng kanilang flights ngayong araw para bigyang daan ang kanilang recovery flights.

Facebook Comments