Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pag-overshoot kanina ng eroplano ng Philippine Airlines sa Bacolod-Silay Airport.
Ayon sa CAAP, galing ng Cebu ang PAL Flight PR2285 nang lumagpas ito sa Runway 03 ng paliparan dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Tiniyak naman ng CAAP na ligtas ang lahat ng pasahero at crew ng eroplano at agad naman silang inalalayan ng airport personnel at ng mga awtoridad doon.
Kinansela na rin ang Flight PR2286 at binigyan na rin ng rebooking options at alternative travel arrangements ang mga apektadong pasahero.
Facebook Comments