CAAP, kinumpirma na may isa na namang pasahero sa Davao Airport ang inaresto dahil sa bomb-joke

Kinumpirma ng CAAP ang pag-aresto sa 42-anyos na lalaking pasahero sa Davao International Airport dahil sa bomb joke.

Kasalukuyang nasa check-in counter ang suspek nang magsabi ito na walang maselang gamit sa loob ng kanyang bagahe maliban sa bomba.

Bunga nito, agad na tumawag ng pulis ang airline service agent at inaresto ang pasahero.


Patungo sana ng Singapore ang pasahero subalit tuluyan na itong hindi nakalipad.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o ang Anti-Bomb Joke Law.

Facebook Comments