Manila, Philippines – Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang mga paliparan na napinsala sa 6.5 magnitude na lindol na tumama sa Leyte Province
Ayon kay Engineer Danilo Abareta ng CAAP Operations Rescue and Coordinating Center (ORCC) , nananatiling normal ang operasyon ng airports sa Calbayog, Catarman at Tacloban
Sa kabila nito, patuloy naman na ini-evaluate ng CAAP ang kalagayan ng runway 36 at 18 ng Ormoc airport lalo nat patuloy ang aftershocks sa lugar.
Patuloy din na mino-monitor ng CAAP ang iba pang paliparan sa Visayas o Region 8 tulad ng Biliran, Borongan, Catbalogan, Guiuan, Hilongos at Maasin sa Leyte province.
Facebook Comments