Manila, Philippines – Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang planong pagdedeklara ng CAAP ng No Fly Zone sa air space ng North Korea.
Sa harap ito ng pagpapakawala ng NoKor ng intercontinental missile.
Pinagpupulungan pa ngayon ng CAAP officials’ ang lawak ng idedeklarang no fly zone vs. North Korea.
Una nang pinalawig ng Air France-KLM ang kanilang abiso sa no-fly zone sa air space ng North Korea matapos na dumaan kamakailan ang isa sa eroplano nito sa lugar kung saan pinakawalan ng NoKor ang intercontinental ballistic missile.
Samantala, nagpapa-alala ang CAAP sa mahigpit na pagbabawal nila sa pagpapalipad ng drone sa paligid ng pagdadausan ng ASEAN Ministerial Meeting sa PICC area sa Pasay City.
Facebook Comments