CAAP, magpa-patupad ng “no-fly zones” sa SEA Games

Nagpalabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notices to Airmen (NOTAMs) mula November 30 hanggang December 11 kaugnay ng gaganapin sa bansa na 30th South East Asian (SEA) Games.

Ipatutupad ang “no-fly zone” sa paligid ng Philippine Arena Bocaue, Bulacan at sa New Clark City sa Pampanga.

Magiging sakop ng NOTAMs ang lahat ng aircraft operations sa loob ng three (3) nautical miles at ipag-babawal ang general aviation flights sa loob ng 40 nautical miles ng Philippine Arena at New Clark City mula 6:00 am hanggang 11:00 PM.


Sakop din ng no-fly zone ang operasyon ng Unmanned Aircraft Vehicles (UAV) o drones.

Tiniyak naman ng CAAP na hindi maaapektuhan ng NOTAMs ang operasyon ng airlines sa Clark International Airport.

Facebook Comments