CAAP, may person of interest na sa ‘bomb joke’ sa Bicol International Airport

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na may person of interest na sa ‘bomb joke’ sa Bicol International Airport.

Gayunpaman, hindi pa makapagbigay ng karagdagang impormasyon ang CAAP dahil patuloy pa ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group.

Muli namang nagbabala ang CAAP sa mabigat na parusa laban sa mga gumagawa ng bomb joke o bomb threat.


Sa nasabing bomb joke, 12 flights ang naapektuhan.

Facebook Comments