CAAP, mayroon nang maintenance provider sa kanilang air traffic management system

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na mayroon na uli na third-party maintenance provider ang Communication, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system ng CAAP.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, naibalik na sa French company na Thales Group ang kontrata sa maintenance service nila.

Kasunod aniya ito ng pagdinig ng Senado sa nangyaring power outage sa air traffic center noong Bagong Taon.


Sinabi ni Apolonio na ang Thales Group ang orihinal na service provider para sa CNS/ATM pero inihinto ito dahil sa “management issues” at sa isyu sa bayad sa mga ito.

Aniya, ang mga engineer lang ng CAAP ang nagsasagawa dati ng maintenance sa air traffic center dahil sa walang maintenance provider.

Gayunman, sa sandali aniyang matapos ang maintenance work sa May 17 ay hindi na mauulit ang nangyaring power outage sa air traffic center noong Enero.

Facebook Comments