
Muling nagbabala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga piloto kaugnay ng panganib ng paglipad malapit sa Bulkang Mayon matapos magpatupad ang ahensya ng Notice to Airmen (NOTAM).
Sa ilalim ng naturang NOTAM, inaatasan ang mga piloto na panatilihin ang vertical clearance na hanggang 11,000 feet mula sa ibabaw ng bulkan.
Ayon sa CAAP, epektibo ang NOTAM ngayong araw mula alas-8:55 ng umaga hanggang alas-8:55 rin ng umaga bukas, January 3, 2026.
Pinayuhan din ng ahensya ang mga flight operator na iwasan ang paglapit sa Mt. Mayon na kasalukuyang nasa Alert Level 2.
Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala ang Bulkang Mayon ng 47 rockfall events noong December 31, 2025—ang pinakamataas na naitalang aktibidad sa loob ng isang araw nitong nakalipas na










