CAAP, nag-isyu ng NOTAM kaugnay sa travel ban sa mga bansang may kaso ng bagong variant ng COVID

Nag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notices To Airmen (NOTAM) kasunod ng travel ban sa United Kingdom at 19 na iba pang mga bansa at teritoryo na may kaso ng bagong variant ng COVID.

Nakasaad sa NOTAM na suspended pansamantala ang flights mula sa UK at ang arrival ban ng mga dayuhan mula sa 19 na bansa mula December 30 hanggang January 16, 2021.

Nilinaw naman ng CAAP na ang mga Pinoy na in-transit at magmumula sa Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong SAR, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, at Spain ay papayagang makapasok sa bansa.


Pero sila ay dadaan sa mas mahigpit na quarantine protocols bukod pa sa mandatory RT-PCR test.

Facebook Comments