CAAP, nagbabala laban sa bomb jokes sa mga paliparan

Nagbabala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) laban sa mga gumagawa ng bomb joke at bomb threat sa airport.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, base sa Presidential Decree 1727, ang pagbibiro ng pagsabog o bomb joke ay may katapat na parusang lima hanggang 12 taong pagkakakulong at multang P40,000.

Habang sa bomb threat naman o pananakot na magpapasabog ng bomba sa ilalim ng Anti-Terrorism Act of 2020 o Republic Act 11479 ay may parusang 12 taon na pagkakakulong.


Ang pahayag ng CAAP ay kasunod ng nangyaring bomb joke kahapon sa Bicol International Airport kung saan 10 flights ang naapektuhan.

Facebook Comments