CAAP, nagbabala sa hanggang kalahating milyong multa sa mga iligal na magpapalipad ng drone

Nagbabala ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP laban sa mga iligal na nagpapalipad ng drone.

Ayon kay CAAP Flight Operations Department Head Capt. Ian Michael Del Castillo, P300K hanggang P500K ang multa laban sa mga iligal na nagpapalipad ng drone.

Pinaplantsa na rin aniya ng CAAP ang mga bagong panuntunan sa paggamit ng unmanned aerial vehicles kabilang na ang drone.


Sa harap na rin ito ng dumaraming bilang ng mga hindi awtorisadong pagpapalipad ng drone.

Kabilang sa ipatutupad na bagong alintuntunin ay ang limitasyon sa altitude at distansya ng paglipad, no-fly zones, at iba pang safety guidelines.

Facebook Comments