Inalerto na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga paliparan sa Luzon bilang paghahanda sa Bagyong Kiko.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, nakaantabay din sila sa mga susunod ng bulletin na ipapalabas ng PAGASA.
Dito kasi aniya nila ibabase ang kanilang desisyon kung isususpinde pansamantala ang operasyon ng mga paliparan.
Ito ay sa harap na rin ng babala ng PAGASA na maaaring umabot sa kategoryang super typhoon ang bagyo bago tuluyang tumama sa Northern Luzon.
Nilinaw naman ng CAAP na maliit lamang ang naging epekto sa mga paliparan ng Bagyong Jolina.
Facebook Comments