Inanunsiyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang modernization efforts nito para sa taong 2025.
Kabilang dito ang halagang 10.6 billion pesos para sa civil works at 1.8 billion pesos naman para sa equipment and systems upgrades para sa pagsasaayos ng mga pasilidad sa airport upang masiguro ang mas ligtas at maayos na pag biyahe ng mga pasahero sa iba’t ibang airports sa bansa.
Kabilang dito ang mga paliparan sa Cauayan, Dipolog, Pagadian at Bukidnon.
Sinabe ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo na hangga’t maari ay mapanatiling ligtas ang biyahe sa himpapawid at maiwasan sana ang pagkakaroon ng aksidente.
Layunin din ng modernization efforts ng CAAP sa pagsasaayos ng mga pasilidad sa mga paliparan na mas makatutulong ito sa pagpapaunlad ng turismo at kalakalan sa bansa.