Naglabas na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM B3736/22) para sa aerospace flight activities epektibo ngayong araw, December 30,2022 dakong alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi ng January 2, 2023.
Sa naturang mga oras isasara ang maraming area navigation (RNAV) routes bilang pag-iingat sa posibleng pagbagsak ng mga debris mula sa Long March 3B rocket launch ng China.
Ang rocket launch ay sinimulan ng China kahapon partikular ng Xichang Sattellite Launch Center sa Xichang, Sichuan Province.
Batay sa advisory ng Philippine Space Agency (PhilSA), ang drop zone area ng rocket ay sa bisinidad ng Recto Bank o West Philippine Sea (WPS) kung saan ito ay 137 kilometers mula sa Ayungin Shoal at 200 kilometers mula sa Quezon, Palawan.
Ang debris mula sa rocket launch ay mapanganib sa mga eroplano at seacraft.