CAAP, naglabas ng NOTAM kaugnay ng abnormalidad ng Bulkang Taal

COURTESY: MDRRMC Talisay, Batangas

Nagpatupad ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng NOTAM o Notice to Airmen kaugnay ng pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga piloto na iwasang tumapat sa bulkan.

Sa ngayon kasi nailata ang horizontal/vertical extent ng volcanic ash clouds ng Taal Volcano sa 11,000 feet.


Habang ang direksyon ng grayish ash clouds ay nasa West Southwest drift.

Mananatili ang NOTAM hanggang bukas, December 4 dakong 5:58 AM.

Facebook Comments