CAAP, naglabas ng NOTAM sa pagputok ng Mt. Kanlaon

Naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines ng Notice to Airmen (NOTAM) kaugnay ng pagsabog ng Mt.
Kanlaon sa Negros Occidental.

Sa naturang NOTAM, pinapayuhan ng CAAP ang mga piloto na iwasang dumikit sa bulkan.

Pinaiiral ngayon ng CAAP ang vertical limits na 10,000 feet mula sa tuktok ng Mt. Kanlaon.


Ito ay dahil sa panganib ng biglaang pagbuga ng bulkan at sa magmatic activity nito.

Tatagal ang notam ng CAAP hanggang bukas dakong alas-nuwebe ng umaga.

Facebook Comments