Ikinalugod ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang resulta ng random drug tests sa airline crew sa nakalipas na taon.
Ito ay matapos na walang maitalang nagposiitbo sa paggamit ng droga sa air crew members.
Ginawa ng Office of the Flight Surgeon and Aviation Medicine ang random drug testing sa 118 in-flight crew members.
Isinagawa mismo ang random testing sa kanilang paglapag sa 44 na commercial airports na pinangangasiwaan ng CAAP.
Tiniyak naman ng CAAP ang patuloy nilang monitoring para matiyak na mananatiling drug-free ang mga airline crew para sa kaligtasan ng mga pasahero.
Facebook Comments