CAAP, nagpadala na ng mga imbestigador kaugnay ng pagsadsad ng isang trainer aircraft sa La Union

Nagpadala na ng mga imbestigador ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa La Union kaugnay ng pagbagsak ng isang trainer plane sa dulo ng runway ng San Fernando Airport.

Partikular na nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang Aircraft Accident and Inquiry Investigation Board (AAIIB) ng CAAP.

Tiniyak naman ng CAAP na ligtas ang piloto at pasahero ng sumadsad na Cessna plane.


Ito ay bagama’t nagtamo ang mga ito ng minor injuries.

Nakataob pa ang eroplano nang marekober ito sa dagat ng La Union.

Facebook Comments