CAAP, nagpalabas ng NOTAM kaugnay sa North Korea satellite launch

Naglabas ng notice to airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para i-alerto ang mga piloto sa bansa kaugnay sa satellite launch ng North Korea.

Epektibo kaninang alas-7:45 ng umaga ang NOTAM hanggang alas-8:15 ng umaga ng September 1, 2023.

Ayon sa CAAP, sa naturang mga petsa kasi magsasagawa ng satellite launching activities ang North Korea sa specific geographical coordinates.


Pansamantala ring isasara ang area navigation route segments pero may italaga namang alternatibong mga ruta ang CAAP para sa aircraft navigation.

Facebook Comments