CAAP, nagpaliwanag sa GCG officials na nag-inspeksyon sa kanilang mga pasilidad kanina

Isa-isang ipinaliwanag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga naging dahilan ng nangyaring aberya sa air traffic management system noong Bagong Taon kung saan daan-daang flights ang nakansela.

Ayon kay CAAP Air Navigation Service Head Arnold Balucating, hindi naman talaga nasira ang dalawang uninterruptable power supply o UPS at sa halip ay nag-react lamang daw ito kaya hindi nagkaroon ng output.

Bumigay rin aniya ang dalawang power box ng malalaking satellite disc matapos tamaan ng mataas na boltahe ng kuryente.


Nilinaw rin ni Balucating na ang nagagamit na lamang aniya na communications ay ang mataas na antenna sa loob ng CAAP compound na nagta-transmit sa radar sa Tagaytay kaya limitado lamang ang flights na kayang i-accommodate nito.

Humihingi naman ang CAAP ng karagdagang pondo sa national government para makabili ng mga bagong equipment para hindi na maulit ang naging aberya sa air traffic system.

Facebook Comments